Natatandaan niyo pa ba ang taong 2016? Hindi ito ang major throwback na iniisip niyo, kundi ang madugo at masalimuot na yugto ng kasaysayan - ang war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Habang tayo ay nakaabang sa confirmation of charges trial ni Duterte sa International Criminal Court, ating alalahanin ang mga buhay na pinagkaitan ng kanilang due process sa madugong laban kontra droga ng dating pangulo.
Libu-libong indibidwal ang naging biktima ng drug war. Isa rito si Angelito Soriano, 16 na taong gulang, pinaslang noong December 28, 2016 sa Bagong Silang, Caloocan City.
Sa pagpapatuloy ng laban para sa hustisya, ating balikan ang kwento ni Angelito sa six-part series na “Niños Inocentes” ni Lyjah Bonzo. - fyt.ph