Ulan mula sa Habagat at Tropical Storm Crising, lumampas na sa karaniwang July rainfall sa Metro Manila — UP meteorologist
QUEZON CITY, Philippines - Umabot na sa 559 mm ang naitalang ulan sa Science Garden, Quezon City mula Hulyo 18 hanggang kasalukuyan, bunsod ng pinagsamang epekto ng Habagat at Bagyong Crising, ayon sa paunang ulat ni Assistant Professor Bernard Alan “BA” Racoma, PhD ng UP Diliman Institute of Environmental Science and Meteorology.
“Sa paunang datos, lumampas na tayo sa karaniwang dami ng ulan para sa buong buwan ng Hulyo, base sa climatological normals ng PAGASA,” ani Racoma.
“Kinuha ko ang kasalukuyang datos mula sa mga synoptic reports sa OGIMET, lalo na ang mga tala tuwing alas-8 ng umaga (00:00 UTC) na nagpapakita ng 24-oras na buhos ng ulan.”
Paliwanag niya, real-time ang pag-upload ng datos sa Global Telecommunication System (GTS), ngunit hindi pa kumpleto ang mga ulat sa ngayon. “Kaya paunang pagsusuri pa lang ito,” dagdag niya.
Ayon sa historical data, karaniwang umaabot sa 493.3mmang kabuuang ulan sa Metro Manila tuwing Hulyo. Kaya’t ang 559 mm na ulan at patuloy pang pag-ulan ay malinaw na indikasyon ng lumalalang mga pattern ng pag-ulan kapag pinagsama ang monsoon at bagyo. - fyt.ph