Bakit mahalagang paghandaan ang Low Pressure Area (LPA)?
Ang Low Pressure Area (LPA) ay bahagi ng atmospera na may mas mababang presyon ng hangin, kaya’t humihigop ito ng hangin mula sa paligid. Nagdudulot ito ng pag-ikot ng hangin at pagbuo ng mga ulap na maaaring magdala ng ulan. Ang LPA ay karaniwan sa tropikal na klima ng Pilipinas at kadalasang kaugnay ng masamang panahon.
Ang Pagasa o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang nangangasiwa sa pagsubaybay sa mga LPA bilang bahagi ng kanilang tungkulin sa pagtataya ng panahon. Regular silang nagbibigay ng mga update tungkol sa pag-usbong, direksyon, at mga posibleng epekto ng LPA sa Pilipinas.
Ang LPA ay karaniwang nabubuo sa ibabaw ng karagatan kung saan mainit ang temperatura ng tubig. Ang init ng dagat ay nagpapasingaw ng tubig, at ang singaw na ito ay umaakyat sa atmospera. Habang tumataas ito, lumalamig ang singaw at nagiging ulap. Kapag nagtipon-tipon ang mga ulap at mas lumalakas ang pag-ikot ng hangin dahil sa patuloy na pagbaba ng presyon, nabubuo ang isang LPA. Ang mga sistemang mababa ang presyon ay mahalagang bahagi ng global weather patterns, lalo na sa mga tropikal na rehiyon.
Kahit hindi pa ito umaabot sa lakas ng bagyo, ang isang LPA ay maaari nang magdulot ng malalakas na pag-ulan na maaaring magtagal ng ilang araw. Ang ganitong kondisyon ay nagdudulot ng pagbaha, lalo na sa mabababang lugar, at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.
Bukod pa rito, ang LPA ay maaaring magpahinto ng klase, trabaho, at maging ng operasyon ng mga sasakyang panghimpapawid o pandagat.
AAyon sa PAGASA, ang mga tropical cyclone ay kinoklasipika batay sa lakas ng tuloy-tuloy na hangin, alinsunod sa panuntunang ipinatupad noong 23 Marso 2022:
Mahalaga ang masusing pagsubaybay sa mga ganitong sistema upang makapagbigay ng maagang babala at maiwasan ang malawakang pinsala.
Mahalagang maunawaan ng publiko kung ano ang LPA upang mas mapaghandaan ang mga posibleng epekto nito. Dahil madalas itong maipagkamaling "ordinaryong ulan" lamang, maraming tao ang hindi agad naghahanda, kaya’t mas nagiging mapanganib ito.
Ang kaalaman tungkol sa LPA ay nakatutulong hindi lamang sa personal na paghahanda, kundi pati na rin sa mga desisyong pangkomunidad gaya ng suspensyon ng klase, preemptive evacuation, at iba pa.
Ang kaalaman sa LPA ay mahalagang hakbang sa kahandaan. Kahit hindi ito laging nagiging bagyo, maaari pa rin itong magdulot ng pagbaha, landslide, at abala sa araw-araw.
Makinig sa ulat ng PAGASA, bantayan ang lagay ng panahon, at ihanda ang sarili, pamilya, at komunidad.
Alamin ang mga hazard sa inyong lugar sa noah.up.edu.ph , at mag-ulat ng insidente gamit ang app.lyfsaver.ph. - fyt.ph