GET READY WITH ME: Mga Dapat Gawin Kung May Bagyo

July 7, 2025

GET READY WITH ME: Mga Dapat Gawin Kung May Bagyo

July 7, 2025

Mga Tip sa Paghahanda sa Bagyo

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo na pinakamadalas tamaan ng mga sakuna, kung saan humigit-kumulang 20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bawat taon. Sa patuloy na paglala ng mga extreme weather events na nakaaapekto sa mga komunidad sa buong bansa, ang kahandaan ay hindi na lamang isang pag-iingat — ito ay isang pangangailangan. Ang kaalaman sa mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng bagyo ay maaaring lubos na magpababa ng panganib at makapagliligtas ng buhay.

Kabilang sa mga pangunahing paghahanda ang paghahanda ng go-bag na naglalaman ng pagkain, tubig, gamot, power bank, flashlight, at mahahalagang dokumento. Siguraduhing ligtas ang inyong tahanan at naka-charge ang mga elektronikong kagamitan. 

Ngayon, maaari nang dagdagan ang mga hakbang na ito gamit ang mga mobile platform na nagbibigay ng gabay at real-time na impormasyon sa bawat yugto ng sakuna.

Bago Dumating ang Bagyo: Maagang Pagpaplano, Manatiling may alam

Nagsisimula ang kahandaan sa maagap at tamang impormasyon. Manatiling may alam sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa PAGASA at sa mga lokal na tanggapan ng disaster response.

Ang mga app tulad ng LyfSaver at UP Nationwide Operational Assessment of Hazards (UP NOAH) ay ginagawa ring mas madali at batay sa datos ang kahandaan sa sakuna para sa bawat Pilipino.

Ang UP NOAH ay isang inisyatibong pinangungunahan ng University of the Philippines na nagbibigay ng science-based tools para sa disaster risk reduction and management. Kabilang sa mga pangunahing feature nito ang hazard maps para sa pagbaha, pagguho ng lupa, storm surge, at lindol. Mayroon din itong risk assessments na tumutulong sa mga lokal na pamahalaan, paaralan, at iba’t ibang institusyon upang makagawa ng mas matalinong desisyon sa paghahanda at pagresponde sa mga kalamidad.

Ang LyfSaver ay isang crowdsourcing disaster and climate information platform na tumutulong sa mga komunidad sa lahat ng yugto ng sakuna — mula preparedness hanggang rehabilitation. Layunin nitong gawing mas mabilis at makabuluhan ang pagkalap at pagbabahagi ng impormasyon sa gitna ng mga panganib tulad ng baha, landslide, at bagyo. Sa pamamagitan ng pakikilahok ng mamamayan, mas napapalakas ang lokal na kapasidad para makapaghanda, makaresponde, at makabangon.

Kabilang sa mga pangunahing tampok ng LyfSaver ang multi-hazard reporting, kung saan puwedeng magsumite ng real-time updates gamit ang text, litrato, at lokasyon para sa iba't- ibang panganib. Mayroon ding community map at dashboard na nagpapakita ng mga ulat mula sa iba’t ibang lugar, na may filters batay sa uri ng sakuna.

@fyt.ph

Ngayong National Disaster Resilience Month, kilalanin at simulang gamitin ang #LyfSaver, isang crowdsourcing platform para sa mga ulat at aksyon mula mismo sa mga komunidad. 📍 I-report ang baha, landslide, lindol, pagsabog ng bulkan, sunog, at iba pang hazards sa inyong lugar (maaaring may kasamang larawan o nakasulat na ulat) 📍 Tingnan ang mga verified crowd-sourced reports sa interactive map 📍 Maging bahagi ng solusyon — mag-sign up bilang volunteer 📲 Bisitahin ang app.lyfsaver.ph 🤝 Sama-sama tayong maghanda, magbantay, at kumilos. Buong puso ang pasasalamat sa aming mga katuwang at volunteers: UP NOAH, UP Resilience Institute, YesPinoy Foundation, Quezon City DRRMO, at Public Affairs and Information Services Department (PAISD)

♬ original sound - Fyt
Habang May Bagyo: Manatiling Ligtas at Konektado

Sa pagdating ng malalakas na hangin at ulan, mahalagang manatili sa loob ng bahay at lumayo sa mga bintana. Iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan at patuloy na subaybayan ang mga update mula sa UP NOAH, mga abiso ng lokal na pamahalaan, at mga pambansang ahensya. 

Sa tulong ng LyfSaver, maaari ring magbahagi ng updates tungkol sa mga nakikitang  hazards tulad ng pagbaha, landslides, storm surge at iba pangmga panganib sa mga apektadong lugar. 

Pinalalakas ng dalawang platform ang kahalagahan ng situational awareness o kaalaman sa mga kaganapan sa paligid. Ang pagkakaroon ng tamang impormasyon sa tamang oras ay nakatutulong upang mabawasan ang takot at masiguro ang tamang pagkilos sa panahon ng sakuna.

Pagkatapos ng Bagyo: Suriin, Magsimulang Muling Bumangon, at Tumulong sa Iba

Nagsisimula ang kaligtasan pagkatapos ng bagyo sa pagiging maingat. Iwasan ang baha, mag-ingat sa mga nasirang estruktura o obstructions gaya ng naputol na kable ng kuryente, at hintayin ang opisyal na abiso bago lumabas. Mananatiling kapaki-pakinabang ang LyfSaver kahit tapos na ang bagyo — maaaring gamitin ito upang mag-ulat ng pinsala, humiling ng tulong, hanapin ang mga bukas na relief center, at tumulong sa iba sa pamamagitan ng crowd-sourced na impormasyon.

Samantala, ang mga tools ng UP NOAH ay nananatiling mahalaga para sa pagpaplano pagkatapos ng sakuna. Nakakatulong ito sa mga komunidad na suriin ang epekto sa kapaligiran at tukuyin ang mga lugar na nangangailangan ng agarang aksyon.

Teknolohiya Bilang Gabay sa Kaligtasan

Ang mga bagyo ay bahagi na ng karanasan ng mga Pilipino. Ngunit sa tulong ng mga makabagong kasangkapan tulad ng UP NOAH para sa planong batay sa datos, at LyfSaver para sa kabuuang pamamahala ng sakuna, mas handa na ang mga Pilipino na harapin ang mga emergency nang may kumpiyansa. Ang mga platform na ito ay nagbibigay kapangyarihan sa bawat isa at sa buong komunidad na kumilos nang maagap, tama, at ligtas — mula sa paghahanda hanggang sa pagbangon.

Manatiling may alam, manatiling konektado, at laging maging handa. fyt.ph