FYT Recaps: Halalan 2025, Part 1

June 25, 2025

FYT Recaps: Halalan 2025, Part 1

June 25, 2025

@fyt.ph

BALIKAN ANG HALALAN RIGHT NOW! Nothing beats #Halalan2025 sa dami ng plot twists na yumanig sa bansa – mula sa impeachment ni Vice President Sara Duterte hanggang sa pagkakakulong ng kanyang ama sa The Hague. Pero kasabay ng tuminding hidwaan sa pagitan ng pamilyang Marcos at pamilyang Duterte, nagpatuloy din ang pagkalat ng maling balita online. ‘Wag magpaloko; dapat i-tsek mo! #FYT #FactRakers #TsekPH #TNP #fyp

♬ original sound - Fyt

Nagmistulang isang teleserye ang 2025 midterm elections sa dami ng plot twists na nangyari.

Nariyan ang mga celebrity candidates, influencers, at first-time hopefuls na nakipagbakbakan sa mga political dynasties.

Uminit lalo ang hidwaan sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte, na humantong sa makasaysayang impeachment ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

At ang kanyang tatay na si Rodrigo Duterte? Arestado na ng International Criminal Court sa kasong crimes against humanity ukol sa drug war ng dating pangulo.

Napakatindi ng disinformation campaigns na umusbong dahil sa mga dramarama na ito – at finact check namin ‘yan dito sa Fyt.

Balikan natin ang mga napakainit na kaganapan noong nakaraang halalan sa 2-part series na ito.

Let’s Fyt disinformation. ‘Wag magpaloko; dapat i-tsek mo!