FACT CHECK: NCAP, panahon pa raw ni Duterte?

June 9, 2025

@fyt.ph

FACT CHECK: NO CAP, NCAP? 🤔 May kumalat na screenshot kung saan pinalabas na panahon pa raw ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang isang litrato ng Commonwealth Avenue sa unang araw ng pagbabalik ng No Contact Apprehension Policy noong May 26. Taong 2002 pa naman may NCAP. May mga naging trial run mula 2009 hanggang 2010, pero inilunsad lang ito ulit sa Metro Manila bago maupong pangulo si Duterte. ‘Wag magpaloko; dapat i-tsek mo! #FYT #FactForward #FactRakers #TsekPH #UPJC70 #fyp

♬ original sound - Fyt

Kamakailan, kumalat sa social media ang isang diumano’y screenshot ng Commonwealth Avenue na tila ipinapakita ang maayos na daloy ng trapiko sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP). Ang caption? Pumapabor umano ito sa dating administrasyon, at sinasabing kuha raw ito noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero teka lang—fake news alert!

Sa totoo lang, 2002 pa unang ipinakilala ang NCAP. Nagsimula ito sa mga trial run noong 2009 hanggang 2010, pero opisyal lamang na muling ipinatupad sa Metro Manila mahigit apat na buwan bago manungkulan si Duterte noong Hunyo 30, 2016.

At ang larawang kumakalat? Hindi pala ito screenshot kundi parte ng isang video na kuha noong May 26, 2025—unang araw ng muling implementasyon ng NCAP matapos bahagyang i-lift ng Korte Suprema ang temporary restraining order nitong May 20. Ang order na ito ay inilabas pa noong Agosto 2022, dahilan ng pagtigil ng programa.

Sa tulong ng reverse image search, mabilis na nalaman ang pinagmulan ng larawan—isa sa mga pinakamabisang paraan para maberipika ang mga online na imahe.

Bago mag-share, i-tsek muna! Dahil sa panahon ngayon, hindi sapat ang galing sa argument—dapat backed up ng katotohanan.

Laging tandaan: ‘Wag magpaloko; dapat i-tsek mo!